Press Releases
BELLO MAS PALALAKASIN TULONG SA MGA MANGGAGAWA; ISINANTABI PAGTAKBO SA SENADO

Nangako kahapon si Labor Secretary Silvestre Bello III na mas palalakasin pa ng pamahalaan ang tulong nito para sa mga manggagawa kasunod ng desisyon nitong isantabi ang kanyang pagktakbo sa Senado.

Sinabi ni Bello na mas gugustuhin niya pang tulungan ang mga nangangailangang manggagawa na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya kaysa lumahok sa halalalan sa susunod na taon.

"Nakikita ko na mas dapat tugunan ang pangangailangan ng mga manggagawag nawalan ng trabaho kaya hindi na ako lalalhok sa eleksiyon," wika niya.

Sinabi ni Bello na mahalagang maiparating ang mga programa ng pamahalaan sa lahat ng manggagawa, kabilang ang mga Overseas Filipino Worker (OFW).

Kasunod ng kanyang desisyon na manatili bilang Kalihim ng Department of Labor and Employment (DOLE), nangako rin si Bello na gagawin ang lahat upang makabawi ang employment rate mula sa mga krisis na dala ng Covid-19.

"Ito ang isa sa aking prayoridad sa aking pananatili sa DOLE. Kailangan nating ibalik ang mga trabahong nawala sa ating mga manggagawa dahil sa global outbreak," pahayag niya.

Nauna nang sinabi ni Bello natatakbo siya bilang senador kung tatakbo bilang presidente si Sara Duterte.

Gayunpoaman, naghain kamakailan si Duterte ng Certificate of Candidacy bilang bise-presidente.

Sinabi ni Bello na mas nanaisin niyang ipagpatuloy ang kanyang mga tungkulin sa DOLE at sa International Labour Organization (ILO) kung saan  siya ang kasalukuyang namumuno sa government group.

Matapos pangunahan ang ILO conference noong nakaraang buwan sa Switzerland, sinabi ni Bello na plano niyang higit pang itulak ang demokratisasyon sa kinatawan ng UN sa pagpupulong na nakatakda sa Nobyembre 25 ngayong taon.

"Aking ipagpapatuloy ang pagtataguyod para sa mas demokratikong ILO upang ang lahat ng bansa kasama ang mga maliliit ay makapagpahayag ng kani-kanilang adbokasiya," sabi ni Bello.

Humingi ng paumanhin ang Kalihim sa kanyang mga taga-suporta para sa Senado, at sinabi na ang kanyang desisyon ay para sa higit na ikabubuti ng mga manggagawa at mamamayan. 

[Back]
[Print]
2021-11-16
Director's Corner


I gladly welcome your visit to the website of the Department of Labor and Employ
Contact us:
Name

Your Email

Title/Subject

(Maximum characters: 50)
You have characters left.

Your Message

(Maximum characters: 300)
You have characters left.