Press Releases
MAHALAGA ANG LGU S AIMPLEMENTASYON NG TUPAD - BELLO

Kinilala ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga lokal na pamahalaan sa pamamahagi ng mga programa para sa mga manggagawang naapektuhan ng pandemya.

Sa ginawang seremonya para sa programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Imus, Cavite, sinabi ni Bello na hindi ganap na maipapatupad ng kagawaran ang mga programang nito kung walang tulong mula sa mga lokal na pamahalaan.

“Lubos akong nagpapasalamat sa mga pinuno ng mga lokal na pamahalaan na nakikipagtulungan sa DOLE na maipaabot ang mga tulong sa mga nangangailangang manggagawa,” wika ni Bello.

Pumunta si Bello sa Barangay Buhay na Tubig para pangunahan ang pamamahagi ng mahigit P24 milyon TUPAD payout sa 6,000 manggagawang naapektuhan ng pandemya.

Sinalubong siya ng mga mamamayan, kabilang ang mga benepisaryo at mga pinuno ng lokal na pamahalaan, sa pangunguna ni Cavite Representative Alex Advincula.

Ang TUPAD ay isang programang cash-for-work ng DOLE para sa mga manggagawang lubhang naapektuhan ng krisis dulot ng pandaigdigang Covid-19 outbreak.

Pinaalalahanan ni Bello ang mga benepisaryo na gastusin nang wasto ang kanilang sahod sa gitna ng pandemya. “Gamitin niyo ito bilang pambili ng pagkain, medisina at iba pang mga pangangailangan,” aniya.

Pinasalamatan ni Advincula si Bello sa pagdadala ng mga tulong-programa ng DOLE sa Imus at sa iba pang bahagi ng Cavite. “Si Secretary Bello ay talagang maaasahan natin kapag ang ating manggagawa ay nangangailangan ng tulong,” wika ng mambabatas.

May kabuuang P24.684 milyon pondo ng TUPAD ang naipamahagi sa 6,171 benepisaryo sa ginanap na seremonya na dinaluhan nina Imus Mayor Emmanuel Maliksi, councilor Adrian Jay Advincula at iba pang lokal na opisyal.

Ang mga benepisaryo ay mula sa baranggay Buhay na Tubig, Alapan II-A, Pag-Asa I, Anabu II-B, Bayan Luma III, Maharlika, Tociong II-A at Magalasang II-B.

Idinaos din ang sabay-sabay na payout sa walong iba pang lugar sa lungsod.

Kasama rin sa pagtitipon ang daan-daang kapwa nila benepisaryo, kung saan karamihan sa kanila ay nakatanggap din ng iba pang tulong mula sa DOLE tulad ng “Negokart” at libreng bisikleta.

Iniikot ni Bello ang buong bansa upang maiabot ang tulong ng pamahalaan para sa mga nangangailangang manggagawa. ###

[Back]
[Print]
2021-11-03
Director's Corner


I gladly welcome your visit to the website of the Department of Labor and Employ
Contact us:
Name

Your Email

Title/Subject

(Maximum characters: 50)
You have characters left.

Your Message

(Maximum characters: 300)
You have characters left.