Press Releases
PAHAYAG UKOL SA SETYEMBRE 2021 LABOR FORCE SURVEY

Itinuturing ng Department of Labor and Employment (DOLE) na pansamantala lamang ang pagbaba ng bilang ng may trabaho patungo sa muling pagbangon ng labor market, batay sa pinakahuling resulta ng Setyembre 2021 Labor Force Survey.

Bahagyang bumaba ang antas sa empleyo ng bansa ng 642,000, mula 44.234M noong Agosto 2021 hanggang 43.592M noong Setyembre 2021. Nakitaan ng parehong resulta sa antas ng empleyo na may 0.8 percentage point na pagbaba – mula 91.9 % (Agosto 2021) hanggang 91.1% (Setyembre 2021).

Sa kabilang banda, tumaas ang unemployment rate ng 8.9% mula 8.1% nitong nakaraang buwan. Patuloy na bumababa ang underemployment mula 14.7% noong Agosto 2021 ng 14.2% noong Setyembre 2021, indikasyon na bumubuti ang kalidad ng trabaho.

Ang pagbaba sa bilang ay maaaring maiugnay sa mahigpit na pagpapatupad ng quarantine noong Setyembre, na pinalala pa ng kabawasan ng trabaho sa sektor ng agrikultura dahil sa masamang panahon, at ang pagsisimula ng pasukan sa paaralan, kung saan ang lahat ng ito ay nakaapekto sa trabaho.

Inaasahan namin na magiging maganda na ang lagay ng labor market, sa patuloy na pagbaba ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa, pagtaas ng bilang ng nabakunahan, at ang ligtas na muling pagbubukas ng negosyo na inaasahang makapagbibigay ng trabaho sa mas maraming manggagawa, dahil sa pangangailangan sa darating na Pasko.

Bilang co-chair ng National Employment Recovery Strategy (NERS) Task Force, patuloy na nakikiisa ang Department of Labor and Employment sa iba pang ahensiya ng pamahalaan sa pagsuporta sa mga negosyo sa pamamagitan ng mga insentibo, pangangasiwa sa empleyo ng mga naghahanap ng trabaho, at pagsuporta sa ating mga manggagawa sa pamamagitan ng upskilling at retooling.

Muli kaming nananawagan sa lahat ng mga manggagawa at negosyo na magpabakuna at ipagpatuloy ang mahigpit na pagpapatupad ng minimum public health standard (MPHS) at mga patakaran sa kaligtasan at kalusugan sa paggawa. Patuloy tayong maging mapagbantay at sumunod sa itinakdang MPHS tulad ng wastong pagsusuot ng face mask at face shield, paghuhugas ng kamay, at social distancing.

Patuloy na makikipagtulungan ang DOLE sa NERS Task Force gayun din ang patuloy na pagiging aktibo nito sa pakikipagtulungan sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan at pagsuporta sa mga inisyatibo tulad ng Task Group on Economic Recovery (TGER) tungo sa patuloy na pagbuti ng ating labor market. ###

[Back]
[Print]
2021-11-06
Director's Corner


I gladly welcome your visit to the website of the Department of Labor and Employ
Contact us:
Name

Your Email

Title/Subject

(Maximum characters: 50)
You have characters left.

Your Message

(Maximum characters: 300)
You have characters left.