Press Releases
MAHIGIT P240,000 NAIBIGAY SA 9 NA MANGGAGAWA NG CONSTRUCTION COMPANY SA RIZAL

Matapos ang tatlong pagdinig sa tanggapan ng Department of Labor and Employment Rizal Provincial Office (DOLE RPO), tinanggap ng siyam na manggagawa ng isang construction company ang may kabuuang PhP234,027.17 na money claims para sa kanilang last pay mula sa dati nilang employer kamakailan lamang.

Isang grupo ng construction workers ang lumapit sa tanggapan ng DOLE-Rizal Provincial Office noong Hunyo 27 upang humingi ng tulong na makausap ang dati nilang employer hinggil sa isyu ng illegal dismissal at posibleng tulong pinansyal o burial assistance para sa isa sa kanilang mga dating kasamahan. Pinangunahan ni Tonyo, hindi niya tunay na pangalan, ang grupo ng nasabing mga construction workers. Sila ay pormal na naghain ng kanilang reklamo sa tanggapan ng Departamento sa pamamagitan ng Single Entry Approach o SEnA.

Hindi man naging maganda ang pag-uusap ng dalawang panig sa unang pagdinig noong ika-1 ng Hulyo, tila ba nag-iba ang ihip ng hangin nang nakitaan ng hearing officer na si Mary Ann Isidto, Labor and Employment Officer III, ng interes na magkaayos ang grupo at ang dating employer nito. Dahil dito, dalawang pagdinig pa ang naiskedyul noong ika-19 at ika-22 ng Hulyo. At sa huling iskedyul ng pagdinig, Hulyo 22, ang bawat isa sa siyam na manggagawa ay nakatanggap ng halaga hindi baba sa PhP 23,000.00 hanggang PhP 27,000.00. Ito ay bukod sa naging pangako ng dati nilang employer na sila ay magiging prayoridad na i-rehire kung sakaling may magbukas pa na mga bagong proyekto sa kanilang kumpanya.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Tonyo at ang kaniyang mga kasamahan sa Departamento dahil sa naging aksyon at tulong nito sa kanilang grupo.

“Kami po ay nagpapasalamat dahil kahit papaano ay nakuha namin…nakakuha kami [ng halaga] na makakatulong sa amin at sa aming pamilya habang kami ay naghahanap pa ng bagong mapapasukan. At saka pumayag din naman ang mga kasamahan namin na makipagkasundo sa [kumpanya] dito sa DOLE dito sa Cainta,” ani Tonyo.

Ang Single Entry Approach o SEnA ay isa sa mga programa ng Departamento na kung saan tinutulungan nito ang mga manggagawa na maging tagapamagitan sa kanila ng kanilang employer upang pag-usapan ang mga labor issues para sila ay magkasundo. Ilan sa mga halimbawa ng labor issues na inilalapit sa tanggapan ng DOLE ay ang hindi pagbabayad ng tamang pasahod, hindi pagbibigay ng tamang benepisyo, illegal dismissal, at maging ang hindi pagbibigay ng Certificate of Employment.


by:

CHARMAINE D. BAISA
LEO III

[Back]
[Print]
2022-08-26
Director's Corner


I gladly welcome your visit to the website of the Department of Labor and Employ
Contact us:
Name

Your Email

Title/Subject

(Maximum characters: 50)
You have characters left.

Your Message

(Maximum characters: 300)
You have characters left.