Press Releases
NEGOKARTS IPINAMAHAGI NG DOLE CALABARZON SA 7 MANGGAGAWA

Iginawad ng Department of Labor and Employment (DOLE) CALABARZON sa pamamagitan ng Rizal Provincial Office (DOLE-Rizal) ang may kabuoang PHP210,000.00 na halaga ng mga materyales bilang panimulang kabuhayan sa pitong manggagawa mula sa impormal na sektor, kabilang ang dalawang magulang ng naitalang batang manggagawa sa probinsiya.

Pinangunahan nina Rizal Provincial Head Engr. Joseph P. Gacosta, at Livelihood Development Specialist Marecris L. Agasid ang pamamahagi ng proyektong pangkabuhayan sa bawat napiling beneficiary.

 



Ang nasabing proyekto ay nakapaloob sa DOLE Integrated Livelihood Program o mas kilala bilang Kabuhayan Program ng ahensiya. Ang nasabing programa ay naglalayong mabawasan ang kaso ng kahirapan sa bansa sa pamamagitan ng pagkakaloob ng tulong pangkabuhayan.

Bago ibinigay ang mga starter kits sa mga benepisyaryo, pinaalalahanan ni Agasid ang mga tatanggap ng negosyo na kanilang pangalagaan ang mga proyektong pangkabuhayan upang maiwasan ang pagkalugi.

 



“Sana po ‘yung pagkakataon na ‘yun mapatunayan niyo po na karapat-dapat po kayo kasi, hindi po lahat ay nabibigyan po ng pagkakataon [na mabigyan ng kabuhayan mula sa DOLE],” giit ni Agasid.

Kuwento naman ni Dante David, 70-taong gulang na mangangalakal mula sa bayan ng Cainta at isa sa mga tumanggap ng starter kits, may mga pagkakataon na naranasan niya at ng kaniyang pamilya na sumala sa pagkain.

 



Kung kaya naman ang pagkakaroon ng ganitong oportunidad ay malaking bagay sa kaniya at sa kaniyang pamilya upang mapunan ang pangangailangan niya at ng kaniyang asawa.

“Kung minsan, umaalis ako, kape lang [ang aking agahan]. Makakakain lang ako kapag nakapagbenta na ako ng kalakal. Totoo na sumasala tayo sa pagkain. Maraming salamat sa DOLE at binigyan kami ng oportunidad na ganito,” ani David.

Plano ni David na pumuwesto sa mataong lugar upang mabilis na maubos ang kaniyang panindang fishball.

“Ang plano ko kahit diyan sa may Robinsons diyan o kaya kung saang lugar ang medyo maraming tao doon tayo pupuwesto [pero] hindi natin masabi na doon lang tayo pipirmi,” dagdag pa niya.


by:

FLINT OSRIC T. GOROSPE
LEO I


CHARMAINE D. BAISA
LEO III

[Back]
[Print]
2023-03-30
Director's Corner


I gladly welcome your visit to the website of the Department of Labor and Employ
Contact us:
Name

Your Email

Title/Subject

(Maximum characters: 50)
You have characters left.

Your Message

(Maximum characters: 300)
You have characters left.