Press Releases
DOLE QUEZON WINS BEST GAD CORNER AWARD

In Lucena City, “Pasayan” means a festivity, celebration or feast. "Pasayahan sa Lucena" is the common name used by locals to refer to the feast day observed in the city.

The Department of Labor and Employment Quezon Provincial Office (DOLE QPO) Gender and Development (GAD) Corner, entitled "Pasayahan: A Celebration of Diversity," which recently won the DOLE CALABARZON Search for the Best Corner, was inspired by the Pasayahan sa Lucena Festival.

 



“The Pasayahan celebration in the city of Lucena brings together a teeming sea of revelers amid a diverse gather of colors, outlandish costumes, and symbolic floats. So, our GAD corner features a lively and colorful celebration of diversity and equality, which is important for the presence of an atmosphere that empowers and provides equal opportunity for people of all genders, including equal pay, working conditions, and promotion opportunities," DOLE QPO Head Mr. Edwin T. Hernandez elaborates.

“Our GAD corner also features the continuing commitment of our office to mainstream Gender and Development in all our programs, projects and activities,” he added.

 



In celebration of the 2023 Women's Month, DOLE CALABARZON conducted the search for the Best GAD Corner which was participated by all its Provincial Offices. This competition aims to promote and develop gender responsiveness by mainstreaming gender activities and concepts.

Furthermore, the GAD Corners were created in the form of display/bulletin board containing features, activities, facts and other relevant information and data about gender and development. The content of the boards was anchored on the theme of the 2023 National Women’s Month Celebration, "WE for gender equality and inclusive society."

===================================================================

DOLE QUEZON ITINANGHAL NA ‘GRAND WINNER’ SA SEARCH FOR BEST GAD CORNER

Sa lungsod ng Lucena, ang "Pasayan" ay nangangahulugang isang kasiyahan, pagdiriwang o kapistahan. Ang "Pasayahan sa Lucena" ang karaniwang tawag ng mga taga-roon upang tukuyin ang araw ng kapistahan na ipinagdiriwang sa lungsod.

Ang Department of Labor and Employment Quezon Provincial Office (DOLE QPO) Gender and Development (GAD) Corner, na pinamagatang "Pasayahan: A Celebration of Diversity," na nagwagi kamakailan sa DOLE CALABARZON Search for the Best Corner, ay ginawang inspirasyon ang Pasayahan sa Lucena Festival.

“Ang pagdiriwang ng Pasayahan sa lungsod ng Lucena ay nagsasama-sama ng napakaraming animo’y dagat ng mga nagsasaya sa gitna ng pagtitipon ng mga kulay, kakaibang kasuotan, at simbolikong mga float. Kaya, ang aming GAD corner ay nagtatampok ng isang masigla at makulay na pagdiriwang ng pagkakaiba-iba at pagkakapantay-pantay, na mahalaga para sa pagkakaroon ng isang kapaligiran na nagbibigay ng pantay na pagkakataon para sa lahat ng kasarian, kabilang ang pantay na pagpapasuweldo, kondisyon sa pagtatrabaho, at mga pagkakataon sa promosyon," paliwanig ng pinuno ng DOLE QPO na si G. Edwin T. Hernandez.

"Ang aming GAD corner ay nagtatampok din ng patuloy na tungkulin ng aming opisina na isama ang Gender and Development sa lahat ng aming mga programa, proyekto at aktibidad," dagdag niya.

Sa pagdiriwang ng 2023 Women's Month, isinagawa ng DOLE CALABARZON ang Search for Best GAD Corner na nilahukan ng lahat ng Provincial Offices nito. Ang kumpetisyon na ito ay naglalayong isulong at paunlarin ang pagtugon sa pangangailangan ng lahat ng kasarian sa pamamagitan ng pag-mainstream ng mga aktibidad at konsepto ng kasarian.

Higit pa rito, ang GAD Corners ay nilikha sa anyo ng display/buletin board na naglalaman ng mga feature, aktibidad, paksa at iba pang nauugnay na impormasyon at data tungkol sa Gender and Development. Ang nilalaman ng mga board ay naka-angkla sa tema ng 2023 National Women’s Month Celebration na, “WE for gender equality and inclusive society.”

 

by:

FRANZ RAYMOND J. AQUINO
Senior Labor and Employment Officer

[Back]
[Print]
2023-04-05
Director's Corner


I gladly welcome your visit to the website of the Department of Labor and Employ
Contact us:
Name

Your Email

Title/Subject

(Maximum characters: 50)
You have characters left.

Your Message

(Maximum characters: 300)
You have characters left.