Press Releases
Child Labor-Free Barangay Inilunsad sa Quezon

Sa pangunguna ng Kagawaran ng Paggawa at Panghanapbuhay o Department of Labor and Employment (DOLE), isinagawa ang sabayang paglulunsad ng child labor-free barangays sa iba’t ibang bahagi ng ating bansa noong ika-18 ng Mayo 2012.


Sa lalawigan ng Quezon, anim (6) na barangay mula sa bayan ng Calauag ang sumuporta at nakiisa sa gawain.


Ang naturang gawain ay dinaluhan nina Asst. Regional Director Milagros Mata (DOLE RO IV-A), Board Member Alona Obispo (Quezon Province), Mayor Luisito Visorde (LGU-Calauag), Ms. Sonia Leyson (PSWDO-Quezon), Ms. Cecille Colarina (ILO-IPEC) Mr. Virgilio Magsino (DOLE-QPO), Mr. Jerwin Navarro (MSWDO-Calauag), myembro ng Provincial Child Labor Committee (PCLC) , kapitan at kawani ng mga barangay, at mga batang maggagawa at kanilang mga magulang.


Batay sa temang “Pagtutulungan, Pagpapalaya sa Batang Manggagawa”, animnapu’t anim (66) na batang manggagawa o child laborers ang nabigyan ng tulong sa pamamagitan ng mga gamit sa pag-aaral (educational packages) mula sa pagtutulungan ng DOLE, lokal na pamahalaan ng Quezon, Provincial Social Welfare Development Office (PSWDO), International Labor Organization-International Programme on the Elimination of Child Labor (ILO-IPEC), at iba pang ahensya na kaanib ng PCLC ng lalawigan. Ito ang naging tampok na bahagi ng gawain kung saan isinagawa ang pabibigay ng naturang mga kagamitan sa pag-aaral kapalit ang mga kagamitan ng mga batang manggagawa sa kanilang paggawa bilang simbolo ng pagpapalaya sa mga batang manggagawa sa kanilang mapanganib na gawain.


Kasama rin ang paglagda ng anim (6) na Kapitan ng Barangay mula sa barangay ng Sta. Maria, Pinagbayanan, Pinagkamaligan, Kinalin Ibaba, Sabang I, at Sabang II sa Deklarasyon ng Paninindigan upang maisagawa at maisakatuparan ang hangarin ng pagkakaroon ng barangay na walang batang nasa mapanganib na paggawa o child labor.


Ang gawain ay nagpapakita ng sama-samang pagkilos upang sugpuin at maiwasan ang mga bawal na paggawa sa mga bata tungo sa pagkakaroon ng child labor-free barangays sa bayan ng Calauag kaalinsabay sa pagkakaroon ng Child Labor-Free Quezon Province.


By:
RAYMOND R. RAMOS
LEO III/Child Labor Focal Person

[Back]
[Print]
2012-05-18
Director's Corner
Welcome to the official website of the Republic of Philippines' Department of Labor and Employment in Region 4-A CALABARZON.
Contact us:
Name

Your Email

Title/Subject

(Maximum characters: 50)
You have characters left.

Your Message

(Maximum characters: 300)
You have characters left.