Press Releases
MGA NAGREKLAMONG MANGGAGAWA NG ZC WAREHOUSE TUMANGGAP NG P955,222.32 BILANG SETTLEMENT
Larawan ng tagumpay mula sa mga manggagawa ng ZC Warehouse na tumanggap ng kabayarang P955,222.32 nang dumalaw sila sa tanggapan ni QPO Head Edwin T. Hernandez (nasa gitna at naka polo shirt ng asul) para magpasalamat.noong Setyembre 3, 2019.

Hindi maikukubli ang kagalakan ng siyam (9) na manggagawa ng ZC Warehouse matapos nilang tanggapin mula sa inireklamong kumpanya ang kabuuang halaga na P955,222.32 habang sila ay iniinspeksyon ng mga Labor Inspectors ng DOLE Quezon noong Setyembre 2, 2019.

Nagsimula ang lahat ng dumulog sa tanggapan ng DOLE Quezon noong Agosto 29, 2019 ang siyam na manggagawa ng ZC Warehouse na matatagpuan sa Purok Atis Mayao-Crossing, Dalahican, Lucena City. Bunsod ng kanilang reklamo na dinala sa istasyon ni Mr. Raffy Tulfo sa TV5 ang mga manggagawang nabanggit ay nagtungo sa DOLE Quezon upang isumbong ang mga paglabag ng nabanggit na warehouse sa maraming batas sa pag-gawa at kaligtasan kabilang na ang kawalan ng kaukulang Mayor’s Permit mula naman sa Lungsod ng Lucena.

Ang reklamo ay agad inaksyunan ni QPO Provincial Head Edwin T. Hernandez kung saan inirekomenda nya sa Regional Director ang pagpapalabas ng Inspection Authority para sa mga Labor Inspector na sina Engr. Alwin B. Boncodin at Engr. Ma. Angelica B. Balasta noong Setyembre 2, 2019.

Bago pa matapos ang isinasagawang inspeksyon sa nabanggit na warehouse ay nag alok na ng settlement ang may-ari ng warehouse kung saan sila ay nagpatulong sa mga Labor Inspectors at mga manggagawa sa pagkwenta ng dapat nilang bayaran bunga ng paglabag sa labor standards sa nakalipas na mahabang panahon.

“Taos puso po kaming nagpapasalamat sa napaka bilis na aksyon ng DOLE Quezon sa aming hinaing. Tinatanaw po namin na malaking utang na loob ito dahil kung hindi po dahil sa DOLE ay hindi po namin makukuha ang mga kakulangan sa aming sahod. Sana po ay marami pa kayong matulungan,” ani ni Jumar B. Cortez at mga kasama sa liham pasasalamat na ipinadala nila sa tanggapan ng DOLE Quezon.

[Back]
[Print]
2019-09-13
Director's Corner
Welcome to the official website of the Republic of Philippines' Department of Labor and Employment in Region 4-A CALABARZON.
Contact us:
Name

Your Email

Title/Subject

(Maximum characters: 50)
You have characters left.

Your Message

(Maximum characters: 300)
You have characters left.