Press Releases
Kinse-anyos na Dalagita, narescue sa isang Entrapment and Rescue Operation sa Antipolo

Isang menor de edad na dalagita ang kasama sa siyam na babaeng narescue sa isang spa sa Brgy. Mayamot sa lungsod ng Antipolo sa Rizal matapos ang naganap na Entrapment and Rescue Operation na naganap noong ika-12 ng Pebrero sa pangunguna ng Women and Child Protection Cluster ng Kampo Crame sa Quezon City katuwang ang ilang empleyado ng Department of Labor and Employment- Rizal Provincial Office at mga social workers mula sa City Social Welfare and Development ng naturang lungsod.

Kinilala sa alyas na “Sophia”, 15, ang nasabing menor-de-edad na kung saan ayon sa naging panayam sa kaniya ng DOLE-Rizal Provincial Office, sa pangunguna ni OIC-Provincial Head Marivic B. Martinez, magdadalawang buwan pa lamang siya sa nasabing spa. Kinumpirma niya na mayroong nagaganap na sekswal na serbisyo sa spa para sa mga nagiging parokyano nito. Ayon pa sa kaniya, wala rin silang natatanggap na pasweldo mula sa may-ari ng spa at pawang mula sa mga binibigay lamang na tips mula sa mga customers ang kanilang naiuuwi. Siya ay nasa spa mula Martes hanggang Linggo tuwing alas-4:00 ng hapon hanggang ala-una ng madaling araw. Kasalukuyang nasa kustodiya ng isang private shelter partner ng CSWD Antipolo si Sophia upang doon muna masubaybayan at mapasailalim ang bata sa counselling.

Nahuli naman ang receptionist ng nasabing spa na isang 20-anyos na binatilyo na kasalukuyang nasa kustodiya ng WCPC sa Camp Crame. Ayon sa naging panayam sa kanya, hindi niya personal na kilala ang may-ari ng spa at kilala lamang niya ito sa tawag na “Kuya Eric”. Kasalukuyan pa ring tinutugis ng pulisya ang may-ari ng spa na pinaghihinalaang nagmamay-ari rin ng isang spa sa Marikina na kasabay ding sumailalim sa Entrapment Operation.

Nais ng DOLE-Rizal Provincial Office na mabigyan ng karampatang hanapbuhay ang ilan sa mga narescue na babae, kasama si Sophia maging ang naturang receptionist upang sila ay magkaroon ng pagkukuhanan ng kita at hindi na piliing bumalik sa nasabing uri ng trabaho. Kasalukuyang nakikipagtulungan ang DOLE-Rizal Provincial Office sa CSWD ng Antipolo upang mabigyan ng livelihood grant ang mga na-rescue.

Malinaw na nagkaroon ng paglabag sa mga probisyon ng RA 9231 “An Act Providing For The Elimination Of The Worst Forms Of Child Labor And Affording Stronger Protection For The Working Child, Amending For This Purpose Republic Act No. 7610, As Amended, Otherwise Known as the "Special Protection Of Children Against Child Abuse, Exploitation And Discrimination Act" o ang batas sa pag-eempleyo ng mga bata sa paggawa ang nasabing spa matapos na makumpirma na nag-eempleyo ng menor-de-edad ang spa at ginagamit ang bata sa prostitusyon. Madalian at permanenteng pagpapasara ng establisyamento ang parusang ipapataw sa nasabing paglabag. Inirerekomenda ng DOLE-Rizal Provincial Office ang permanenteng pagpapasara sa nasabing establisyamento.

by:

CHARMAINE D. BAISA
Labor Information Officer
DOLE Rizal Provincial Office

[Back]
[Print]
2020-03-13
Director's Corner
Welcome to the official website of the Republic of Philippines' Department of Labor and Employment in Region 4-A CALABARZON.
Contact us:
Name

Your Email

Title/Subject

(Maximum characters: 50)
You have characters left.

Your Message

(Maximum characters: 300)
You have characters left.